Isa na namang pinoy ang nagpasikat sa pagiging maabilidad lalo na sa mga pagkukumpuni ng makina ng mga motorsiklo. Si Marlou Acedera ay isang mekaniko sa Metro Manila na nanalo sa “Castrol Power 1 ASEAN Mechanic Contest” laban sa mga bansang Thailand, Indonesia at Vietnam kung saan may pinakamalaking bilang na gumagamit ng motorsiklo.